Alam mo ba yung feeling na pagkatapos na pagkatapos mong manuod ng Naruto Shippuuden IV (na isa sa pinakafavorite kong panuorin tuwing gabi)ay nilipat mo yung channel sa Cinema One… At pagkalipat na pagkalipat mo, e saktong nagsisimula pa lang yung “I Do.”
Teka paano ko ba sisimulan? Alam kong natutunugan ko na talaga ‘tong I DO na ‘to na ipapalabas talaga ngayon.. Mahigit isang linggo ko ring ipinagdarasal na sana mapanuod ko ulit ang I Do.. Kaya labis akong nagulat ng makita ko na nagsisimula na yung movie. MIX EMOTIONS ako nung gabing yun. Di ko alam kung masaya ba ako o gulat at di mapakali at makapaniwala. Ang weird nga e, kese kahapon ng hapon e pinapatugtog ko na lang sa youtube yung OST ng movie na yun tapos pinanuod ko rin yung part I kase nga gustong gustong gustong gusto ko na talagang panuorin sya.
Nasabi ko nga sa sarili ko na kapag “Once na ipalabas talaga yung I Do, Ih’hug ko ang tv!” Laking gulat at tuwa ko nang ipalabas nga talaga ‘to kagabi :D At syempre hinug ko ang tv!
Ean ko ba kung bakit obsess at sobrang gusto ko yung “I DO” Sobrang feel na feel ko na talaga sya. Hahaha! (Walang halong echos)
E kase nga 3 beses lang naman ULIT ako napaluha!
- Nung sinabi ni Lance (Enchong Dee) na “Di ko sinasabi sa kanila dahil ilalayo ka nila sa’kin. Di ko kayang malayo sa’yo dahil MAHAL NA MAHAL KITA!” Omeygad! As in pumatak luha luha ko dun.. Grabe! Iniisip ko nga sana ako na lang yung sinabihan nya ng ganun.. Haha! Swerte ko lang diba? Super SINCERE.
- Nung nagpropose si Lance sa pangarap na church wedding ni Yumi! Yung magki-kiss na sila, bago pa yun tas sinabayan pa nung tugtog. Aw! Sino ba namang di mapapaluha sa part na yun…
- Lastly, nung kinasal na sila at nasa reception na. Nung sinabi na ni Lance na “Ikaw ang choice ko.. I do chose you.” Grabe! Halos tumulo luha ko! Biruin mo kahit dalawang bese na na-cancel yung kasal nila sa bandang huli, SILA pa rin talaga. At sobrang pinagsisihan talaga lahat ni Lance (yung mga panahong nasaktan nya ang pamilya ni Yumi at sya.)



